April 25, 2024
 

Letsgoph.com | Muling nagkaisa ang SM group at UNIQLO Philippines upang isagawa ang rehabilitasyon ng mga paaralan na napinsala ng Bagyong Paeng, isa sa mga pinakamalalakas na bagyo na tumama sa bansa noong 2022.

Sa pamamagitan ng nasabing inisyatibo, inirehabilitate ng SM Foundation ang Sto. Cristo Elementary School sa Pulilan, Bulacan at Gen. Luciano San Miguel Elementary School sa Noveleta, Cavite. Layunin ring ayusin ang isa pang paaralan sa Batangas.

Bukod dito, matatatandaang nagtulungan ang SM Foundation at UNIQLO upang mag-install ng mga handwashing facility sa mga paaralan, mag-ayos ng mga health center, at namahagi ng Emergency GoKit+ at dinnerwares sa iba pang lugar na sinalanta ng bagyo.

Bagong ayos na school building sa Noveleta, Cavite
Bagong repair na school building sa Pulilan, Bulacan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.